Masiglang
nakiisa ang mga estudyante ng La Verdad Christian College sa inorganisang blood
letting ng mga estudyanteng Health Care sa La Verdad sa kanilang paaralan sa La
Verdad Christian College sa Bagong Barrio Caloocan noong ika-18 ng Hulyo
ngayong taon.
Ang blood letting na naganap sa
kanilang paaralan ay isa lamang sa mga aktibidad sa kanilang pagdiriwang ng
“Nutrition Month”. Ang blood letting ay nagsimula ng alas-nuebe ng umaga
hanggang hapon sa La Verdad auditorium. Ang blood letting na isinagawa ay
naging matagumpay sa pakiki-isa rin ng Philippine Blood Center at mismong ang
mga estudyante na mga Health Care na rin ang nagsagawa ng pagkuha ng blood
pressure sa mga nagdonate ng dugo.
Higit isang daang estudyante ang
boluntaryang nagnais na magdonate ng dugo ngunit sa ilang kadahilanan ay hindi
sila pumasa sa naganap na assessment at ang ilan naman ay kinailangan ng
pahintulot ng magulang. Ang mga guro at ilang empleyado rin ng La Verdad ay
nagdonate ng dugo, ganun rin naman ang ilan sa mga magulang at kaibigan ng mga
estudyante na sumadya pa sa La Verdad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento