Biyernes, Setyembre 6, 2013

Team DOJ: muling natalo sa UNTV Cup



Sa ikatlong paglalaro ng Department of Justice o team DOJ sa UNTV-cup kahapon, ika-11 ng Agosto taong 2013 na naganap  sa Ynares Sports Arena ay muli sila ay natalo laban sa team Judiciary. Bandang alas-kwatro ‘y medya ay nagsimula ang laro ng DOJ at Judiciary.

Sa unang kwarter sa oras na anim na minuto at apat na pu’t tatlong segundo ay magkasunod lamang na natumba si Martin mula sa Juduciary at nadulas naman si Gregorio, mula naman sa DOJ.


Unang kwarter pa lamang ay natambakan na ang DOJ sa iskor na 10-38. Samantalang sa ikalawang kwarter ay may iskor na 25 ang DOJ samantalang 66 naman ang iskor ng Judiciary at sa ikatlong kwarter ay lumamang pa rin ang Juduciary sa iskor na 107-43. Sa kabila naman ng pagkatalo ng DOJ laban sa Judiciary sa iskor na 60-130 ay nagkamit naman ng mainit na suporta ang DOJmula sa mga manunuod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento